Huwag kang magmadali.Bakit kailangan mong magmadali pagdating sa pag-ibig?Bata ka pa,at marami ka pang pwedeng makilala,marami pang pwedeng dumating sa buhay mo.Maaring ang ilan at ang iba ay napadaan lang.Bakit ka nagmamadali?Dahil gusto mong maranasan mainlove?Huwag kang padalos dalos.Hindi ganun kadali ang mainlove.Mahirap masaktan pagdating sa pag-ibig.Hindi mabilis maghilom ang sugat sa puso.Hindi mabilis mawala ang nararamdaman mo kapag gusto mo nang makalimot.Bakit ka nagmamadali?Dahil lahat ng kaibigan mo ay may karelasyon?Hindi ibig sabihin na lahat sila ay merong boyfriend/girlfriend ay makikigaya ka na.Hayaan mo lang sila.Bakit ka nagmamadali?Dahil naiinggit ka sa mga may karelasyon na sweet sa isa?Mararanasan mo rin yan,basta maghintay ka lang.Maaring hindi pa ito ang tamang panahon para sa’yo.Matuto kang maghintay,dahil kapag nagmadali ka,ikaw lang din ang masasaktan.Pwede kang mapunta sa maling tao.Pwede kang magsisi dahil sa pagmamadali mo.I-enjoy mo lang ang sarili mo.Darating din ang tamang panahon para mainlove ka,isinusulat pa lang ni God ang love story mo.At tandaan mo,maging ang magandang parte ng isang fairytale ay nangyayari sa huli.Kaya huwag kang magmadali sa pag-ibig.
Kapag na sa’yo na, huwag mo ng pakawalan pa.
Gawin mo lahat ng bagay mapawi lang ang lungkot sa kanya at mabalik lang ang mga ngiti niya. Iparamdam mo sa kanya kung gaano siya kaganda at kahit na ba pumuti na ang kanyang buhok ay siya parin ang pinakamagandang babae sa mundo. Hawakan mo ang kanyang mga kamay kahit na nasa matao kayong lugar. Iparamdam mo sa kanya kung gaano ka kasaya na siya’y na sa’yong piling. Sa t’wing siya’y nalulungkot, yakapin mo lang siya at huwag mo siyang iiwanan. At sa t’wing hahalikan mo siya, iparamdam mo sa kanya kung gaano mo siya katotoo ang pagmamahal mo sa kanya at siya lang ang taong gusto mong makasama habang buhay.
Mahanap makahanap ng taong magmamahal sa’tin ng tunay. Kaya kung sa tingin mo ay siya na ang taong ‘yun, ingatan mo na. Huwag mo ng pakawalan pa. At huwag kayong magpapadaig sa sasabihin ng mga tao dahil hinding-hindi matutumbasan ng mga salita nila kung gaano ka kasaya sa t’wing magkasama kayo.






![staypozitive:
Stickers are now available! :]Get a super cool sticker and a little note from us!
get yours here ►
http://spositive.wix.com/staypositivebro](http://24.media.tumblr.com/347f845e1e72a42668496a7b10c9d6e6/tumblr_mmto5jjK2C1qe52v7o1_500.gif)

